ByProducts 10: Tara, Layag tayo

Kasama sa agos ng tubig ang pag-usad ng barkong nagpapatangay lamang. Pagkaraa'y, natuto kaya naglayag at tumiwalag dahil nais niyang lakbayin ang di pa nilalakbay ng karamihan. At kanyang napagtanto na ang ganda nga ng karagatan. Ang lawak, ang saya at kay sarap ng pagiging malaya. Hindi naman palaging masaya, minsan may mga kalamidad. Tulad ngayon, di niya lubos akalaing sa dinamidami na ng bagyong dumaan sa buhay niya ngayon pa siya nito dudurugi’t gawing pira-piraso. Saklap talaga, ngayon pang malapit na malapit na siya sa kanyang inaasam. Nalumbay at nawalan siya ng pag-asang mabuo kaya heto siya’t nagpapatangay muli. Kalaunay nakarating siya sa dalampasigan. Nakita niya ang isang barko, oo nga’t maganda’t walang bakas ng anumang sugat pero unti unti namang nasisira.

“Ba’t nananatali ka diyan?”

“Ang gulo kasi doon kaya dito nalang ako para payapa’t di pa ako masasaktan”

“Hindi tayo ginawa para manatili sa daungan, huwag kang matakot. Halika, sasamahan kita.”

Comments

Popular Posts