ByProducts 4:Sige, pag may time


ABC : Bakit kung kelan paalis ka na tsaka mo maisipang magbigay kulay sa mundo kong paidlip na?

AZ: Huh? Ginawa ko naman yan nung pagdating ko pa lang pero ikaw ‘tong may pusong manhid at idagdag pa natin yang diwa’t isipan mong himbing na himbing. Bakit kasi ayaw mong dumilat noon pa man? Eh, ako naman ‘tong gumawa ng paraan para karapat dapat mong maaninag. Tapos ngayon, ikaw ‘tong kung makapag salita parang ikaw lang may karapatan sa liwanag ko? (lol. Hindi kasali kadi yang last sentence)

Seyosohan na, pramis hindi ako hanggang doon. Humantong ako sa puntong sinusunda’t binabantayan ka sa pag-aakalang sa paraang ito makakuha ako ng katiting na sulyap mula sa ‘yo.Pero, wala pa din. Sakit naman neto, tagos na nga sa puso. O siya, debale na. Alam ko kasi you are worth dying for.

Sa uulitin, hindi talaga kita sinukuan. As in ginawa ko lahat, alam mo ‘yong ginagawa ng isang irog para lamang makamit ang matamis na letrang kung inulit eh parang abot mo na ang buwan (o-o)? Pero, wala akong natanggap na “oo” o “hindi” man lang, which is mas masaklap.

Kahit ganoon pa man, hindi pa din ako sumuko. Alam ko kasi karapat dapat kitang makasama pang habang buhay (hindi till death lang, it’s for eternity) kaya tinanggap ko lahat ng sakit mula sa suntok, bala, granada, bomba … kung inaakala mong ako si Superman para kaya kong tanggapin lahat ng yan, pwes nagkakamali ka. Alam mo ba kung bakit I’m still alive and kicking? Simple lang naman, it’s love nga kuna da. Apay gamin nga han ka mamati ti ayat ket syak diyay? Apay narigat dak nga ayaten?
Hindi nga naman kita mapipilit, para san ang free will kung ako pa mismo lalabag doon.

Ngem, (last daytuyen ta paulit ulit nga ibag bagak nga han ka talaga binay bay an, pulos adak amag di.) nung mga araw na nagpapapansin ako sa iyo hanggag kani-kanina lang … ang lagi mo nalang kasing sinasabi: “Sige, pag may time.”

Kasatnun daytan ngay? Ngayong magkaharap na tayo mismo tsaka mo pa naisipang simulan na hanapin ako.

___________
who's talking?
talking to whom?

Comments

Popular Posts