DUNTUG 6: Mt. Purgatory Traverse


December 17-18, 2016

Hinahanap ko sa sarili ko kung ano ba dapat kong isulat or paano ba ako magsusulat in a way na simulan ko lang tas bahala nang susunod ang bawat sentence, paragraph ...

Hindi ako makapagsulat. Nakakaiyak. Akala ko kasi pagbalik ko eh buhay na buhay ang sistema’t diwa ko para maka ukit na mala Amorsolo. Pero, hindi.

It’s already Tuesday, Dec 20 but deym I got nothin to say.

Ganito naman pala ang mangyayari, so para san ang akyat? Natutu ba ako? May kapalit ba pawis ko? Ano? Have I acquired something that could make me say that I was not the same person before and after the climb?

Sigh.

Sabi ko. This and that gagawin ko for 2o16. Pero after the May and October thingy, nawala na sa linya ang mga plano. Then, as usual nabuhay na naman ang namatay kong nakaraaang pagmamahal sau. It made me wish to  set out on an epic journey challenging my capacity and syempre so that I will not deny myself the pleasure of gazing into the beautiful boondocks. It didn’t happen again. Deng it.

Naubusan ng liquid asset tas I was settling na sa compromise na ayus lang kahit hanggang chasing waterfalls lang ako dahil naglakad pa din naman.
But, there’s still this nagging thought and want for me to fulfill that dream na kahit makahike ng isang bundok lang na major this 2o16. Hindi ako namumundok lagi para may trainings man lang sana for a major hike, pero basta i wanna do it. I was looking for that feeling of killing myself in the process, ung ba subjecting yourself to something na di mo sure if kaya and then we’ll see what  remains after u get stripped. I don’t mean naman na kill myself to the extent I’ll let the mountains be my burial ground. Ang gusto ko lang is to physically leave my 2o16 sa bundok at hayaang sipsipin ng kalikasan. Para naman magkaroon ng lugar para kay 2o17.  Malalim man sa iba at nagmimistulang ka echosan pero tol, kanya kanyang linya tayo kaya walang basagan ng trip.ok.

Ilang araw bago ang ahon, nagsasayawan na ang bawat sulok ng bituka ko. Bumigay na ata dahil sa nag halong excitement at kaba. Halos tatlong araw na nagtatae ng dis-oras ng gabi, walang ganang kumain sa umaga at di na rin makapag-isip na ayun sa tamang takbo ng utak ng average normal person.

Buti nga nagising ako ng 2:30am ng Nov 17 kahit idlip-bangun-idlip-bangun ako pagkatapos ng 10pm ng Nov 16.

Wala akong tamang gears pang akyat: yung bag ko nahiram na Sagada, sapatos ko kaka-ukay lang na hindi pa nalalabhan, walang tamang head gear, at walang panangga sa lamig at ulan na matino. Pano ba to dre, killing myself softly? Pero, lagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi ko kailangan ang lahat para makagawa ng gusto ko. Di ba nga, use what u have and use it for your advantage?

Pagdating sa jump off, pinagmasdan ko mga kasamang aakyat. Syempre, gwapo agad titingnan (^^) and baka andoon si super crush eh sobrang nakakahiya ako.hahaha. Hi Sir Supasayan!:)

Unang apak ng pag-ahon, mukha akong taga-Saudi dahil sa balot-ulo’t-mukha-mata-lang-kita way ng pink head gear ko. Feeling malakas, kaya yun pa-sweeper epek. Napagod, nangailangan ng kahati ng attention between the steep trail and the pagod so naglabas ng pipino. Sinabay sa paglalakad, peeling it then eating and walking. Akyat-lakad-baba-akyat-hingal-take5-picture … then, nakarating sa highway ng malalakas na hangin. Ayun! Kaya nya kaming tangayin considering our weight plus our bags.

Mula sa malayo, tanaw namin kung san kami papunta – a summit covered with clouds. Umambon … umulan, wat da ‘ya expect? I looked like a human yellow ice cream with my rain coat on. Haha

Anyways, basta mahaba ang lakad. Alangang mahaba na naman isturya ko dito.ahhah

Sinabi na, na 10 hours ang hike pero naniwala ako sa isang guide na pwedeng 6 hours lang un. Sa kasamaang palad, ginabihan kami. Buti nga at hindi bukas 3rd eye ko kasi mayat-maya pag may nasesense mata ko, nag-flaflashlight ako agad-agad. There was something though in that cold dark night, napabilis kaming maglakad.

I fell 4x but I rose up 6x(allowance).hihi. Eto ang tandaan sa paglalakad: malakas ka sa simula ng ahon pero pababa at pababa yan since paubos na din ang lakas mo pero painit ng painit naman ang paa mo at unti-unti na ding mag-aadjust ang katawan mo sa bigat ng dala mo at sa haba ng lalakbayin mo. Wag mong palalamigin paa mo, wag masyadong hinto agad-agad para wag mawalan ng init ang paa mo dahil yang init na yan ang kusang mag-papalakad sa paa mo kahit pagod na ang katawan at alam na ng utak mo na di mo na kayang i-move yang paa mo. Sa paglalakad din, wag lang sa daan concentrated. Malawak at pa iba-iba ang view sa daan; kaya kahit pagod ka na, tingala, look left and right ka pa din.

___
Malamig sa bunkhouse. Pucha nakakakaiyak ang lamig. Hindi na nga ako kumain ng maayos na dinner at ansakit na ng katawan ko pero gigisingin pa ako ng putik na natateng pwet ko at masamang tyan ko. Anlamig-lamig, sobra tapos andun ako nga naka-tuwang. Ukis! Gusto ko na umiyak nun kasi uwing-uwi na ako. Pero, hating-gabi lang nun. Jus ko Lord! Come on  Jha, ginusto mo to wag si Lord sisihin mo. Wala na akong magagawa. Andun na ako eh. Bumalik ako sa loob na matutulog na sana pero putik pa din sumasayaw tyan ko. Halos makalimutan ko na nga ang lamig dahil naghahanda na ako sa  nagbabadya na namang mag land fall na epic shit ko.

Tumambay ako hanggang sa lumipat na ng tuluyan palapit sa may pintuan. Ginawa ko na ngang unan si kuya kahit di ko close. Wala akong pakealam. Kelangan ko ng masasandalan. Tulog na silang lahat, at nag uusap ang hilik nung tatlo. Pero ako, umiikot pa din ang tyan at ngayon nakaramdam na ng lamig. Oo, natulog kami sa bunkhouse pero andun ako sa sahig at sa bawat pag sipol ng hangin eh tumatagos yun sa espasyo ng pinagtagpi-tagping kahoy. Pucha anlamig. Pucha talaga. Medyas ko basa, kaya hubad paa. Nahiya na nga din ako sa isang kuya na halos tabihan ko na ata at wala na akong pakialam kong nadaganan ko na kaya or whatever kasi kelangan ko body heat. If Nikita bibi was there ulit mas katanggap-tanggap siguru.hahah(naalala ko lang unang sinulat ko)

Natulog-nagising-natulog-nagising-lumabas-tumae-siksik paa sa malapit na bag-palit ng posisyon ng pagtulog-nag isip-nagmura sa hangin-nanalangin-nagtanong kay Lord ... Eto mga pangyayari in no particular order and frequency nung gabing un.The good thing is, hindi lang ako ang na lbm. 10/11. Ang saya ko!

Kinabukasan, kinain ko ulit kinain ko kagabi, syempre mejo nag sisi taray manen tuy tyan ko adi ngem han ipadlaw. Apay kapuy! unayen!!!!! hahahahahahaha. 

Teka lang.

Para san ba ang pag akyat sa u, puso? Why do u want to go up in the mountains? Bat kelangan mo pang pahirapan sarili mo para makamit kung ano man yang minimithi mo? Ano bang andun? Hindi pa ba sapat na pinanganak ka at lumaki ka dun para manatili sa yu ang kanyang mahika? Puso, isipan at spirit of mine, why do u have to subject yourself to this type of adventure Puso, nasagot ba ng walang clearing sa 6 summits ang bumabagabag sa u? Pano? Oks na ba puso ko?

Sa kasamaang palad, lumala pa nga eh. Pero in a good way. Sa totoo lang, lahat ng naakyat ko walang clearing pero bakit ganun gusto kopa ding umakyat-akyat-akyat? Bat nga ba ako umaakyat?
In the end, sa huli…

Gusto kong magpasalamat kay:

Sara, the patatas queen for tanggaping our request to join
Marilou, longganisa queen for samahing me since parang I ken nat if solo joiner ako
Gail, sa seryosong tanong na "nasa camp na tayo?".hahaha. jump off palang kaya.haha
Kuya Bon, the  walking pharmacy,sa diatabs.
Kuya roel, for allowing me to make ur saka my unan for minutes.
Kuya jo, for carrying 20 kilos na may laman na foods for the group
Kuya aran, for alagaing the group and lutuing also.
Kuya Biboy, for entertaining my ears through englishing with uncle guide na lasing and sa wet wipes na hindi ko rin lang ginamit.haha
Stephen, for paliting with the upuan kaya naview ko gusto ko makita
Mark, for ano nga ba?haha. For proving na pwedeng maging mawteynir with just magaan na bag.


All in all, salamats much po! hanggang sa susunod na pag-ahon po!

Comments

Popular Posts