DUNTUG 2: Aba, Nakakapagtagalog pala ako - Mt. Pulag, Kabayan, Benguet


Isipin mo lamig ng New year pero patindihin mo pa kasi nung gabing yun, bumabagyo. Wala ka sa silong ng bahay ninyo para maibsan ng kape ang lamig kahit ilang saglit. Ibalik kita, hindi ka lang nasa labas ng bahay. Nasa tuktok ka ng bundok. Ang panangga mo, tent. Tent na nung una kaya ka pang tulungang manatiling tuyo pero diba nga kasi naman bumabagyo. Basang sisiw kang nakarating pero pasalamat ka hindi nabasa yong dala mong extra. Ayay. Ansarap ng init ng damit sa katawan mong malamig. Parang “ I can smell the sunlight in your skin” lang ang peg. Haha. Anong konek ng “feel” sa “smell”? haha . Basta, ang masasabi ko lang, yes! buhay ka pa.

Alas sais na, pwede nang kumain. Asan ang kalan? Asan ang apoy? Asan? Asan? WALA. Naalala mo, hindi mo kasi nadala yung gas. Anong meron? Instant noodles. May mainit bang tubig? Wala nga di ba? Lang ya, gutom ka na. Lapain mo na lang. Ah, tunay ngang masarap ang instand noodles kahit di pa luto. Asan yong kanin? Nasa Ziplock pa. Bawasan nga natin. Ahay, anlamig sa sikmura. Imagine, parang lumunok ka lang ng yelong buo tas nafefeel mong paunti-unti lang natutunaw sa tyan mo. Kung natutunaw nga, it means buhay ka pa. Ikaw na kumain. Eh paano naman kasama mo? Tumingin ka, ayus pa buhay na buhay. ^_^ kwentuhan moments. Picture. Sulat. Tsismisan. Pinapakinggan kwentuhan ng mga kasamang nagsisiratingan at nag seset-up pa ng tent.

Ewan, alas syete ata o alas otso na kasi naramdaman mo na ang pagod syempre sleeping time na. Buti na lang may sleeping bag ka. Ready to sleep. Stretch. Stretch. Ah, oo pala wala ka sa bahay niyo kaya walang matinong higaan. You have the rocks for your mattress. You have the rocks again for your pillows. Buti na lang you don’t have the rocks ulit for your sleeping bag. “Dre, lapit ka dito para body heat”  tas bend knees. Ahuy. Warm moments na naman. Buhay ka pa . Katahimikan. Katahimikan para namnamin ang lamig. Katahimikan para pakinggan ang kwentuha’t tawanan ng ibang maayus ata ang pagkakahiga. Katahimikan na nagsisilbing amplifier ng nagbabayong ulan at ng hanging sumisipol … …

Nakatulog ka ng ayatuan how long pero nagising ka rin lang. Asar, anlamig naman kasi. Nakaramdam ka ng basa, debale yung hinlalaki mo lang naman, no big deal kasi parang 1% of your whole body naman yun diba? Pero ibang sitwasyon to, parang hinlalaki six feet under the ground ang peg. Panu yun nangyari? Nagstretch ka kaya yun nabasa dahil sa naipong tubig na nagmistulang mini dam na nasa paanan ninyo. Nag ayus ka nalang ulit. Bare in mind, DO NOT STRETCH. Nag ayus ka pero bakit ganun pa din? So cold ng feet mo? Kasi naman sinipsip ng sleeping bag yung mini dam. Whatever. Mind over matter di ba?

Nakatulog ka.

 Maya maya nagising ka na naman. Two feet is currently six feet under freezing water.  Removed socks.

Nakatulog ka. 

Nagising. Basa bonnet mo.  Bakit? Eh sinu ba kasing nagsabing anlikot mong matulog eh di yun tuloy nakadikit ka na sa tent. Need I remind you na bumabagyo? Fine, no bonnet bonnet din pag may time.

Nakatulog ka.

Nagising. Time check. Waaaa!!! Utang na loob bakit alas dyes pa lang eh ilang beses ka ng nagising? Weh, its better for time to move slow than for your breath to get slower then eventually stops.naman naman. Whatever is happening is certainly good news.  Dapat positive dre. Be +.  Ang kakaiba ngayon, nabangon naman ang kasama mo. Yes! Tol? Di din gumana ang mind over matter mo? (bakit parang sumaya ako? Hahha. Peace bibi.) Gumamit kayo ng eucalyptus something something. It works mainit na ulit ang paa mo, kamay and well di naman pwedeng eucalyptus-an yung Bagyo kaya hayun gumogora bells pa din. Pfft.  

Ahay, basta tulugan moments ulit.

For the nth time, nagising ka. Di mo na kayang matulog na nararamdaman yung basing parte ng sleeping bag  kaya hayun Indian seat na natulog… … naalibegbeg sikim.(kan kanaey dayta abay malay ko translation na. Paxenxia pinanganak  nga Igorot nga nataraki. Anong konek? Haha) Napilitan ka balik na rin lang sa idda position. Langyang mind over matter ngayon lang lumakas. Eh di atleast tuloy na nga ang tulog. Amen.

Pumutok ang araw. Andun pa din ang bagyo, malamig at basa ka pa din. Ganun pa man, nagpapasalamat ka dahil nagising kang hindi kasin lamig ng mga undead. Nagpalit ka. Aber, lumabas kang naka short shorts. Agasemthat eh anlamig. Ganun pa din ayus mo tas nag tour around pa kayo dun sa camping grounds. I tell you, better ang ganoon kesa naman naka pants ka tas basa rin lang.

Anyways, salamat sa mamang (hala nakalimutan ko na ang mukha)nagbigay ng pampainit ng sikmura namin ni Bibi. Haha. Actually wala na kaming ibang kakilala dun, kami lang kaya. Haha. Cheers to us who found a way to get there.

Next? Pack the tent, fix your bags, fill your stomach, take your garbages, ahem now ready to rock and roll coz it’s descending time.

@the jeep kasi sa harap kami ni Nikits nakaupo
*"Manong, paxenxia a nu naangut kami. Duwa aldaw nga han kami nagdigus ya. Angut ling-et kami paylang. (sabay smell shirt.haha)"

_________________________________________________________________________________
Ganun pala ang mga nangyari pero bakit nais mo pa ding bumalik?


Comments

Popular Posts